
malalim ang gabi
at tayo lang ang magkatabi
mga puso'y hindi mapakali
ang tahimik na radyo ang saksi
sa pagsambit mo ng mga salita
napadama mong hindi ako mag-isa
at habang unti-unting lumalabas ang mga luha
mailap ang pagtingin sa isa't isa
may kasabay pa rin pala akong naliligaw
may karamay pa rin pala akong nagbabaliktanaw
hinahanap ang nawala sa mga gusto't ayaw
ngunit tila natagpuan mo na; ako siguro'y balang-araw