
Umaga na naman. Ang isipan ko'y walang laman.
May mangyari kayang maganda ngayong araw?
Bahala na siguro.
Aasa na lang ulit na may makabuluhang maganap. Nawa'y sipagin sa mga kailangan at dapat gawin. Nawa'y magkaroon ng motibasyon. Nawa'y sumigla kahit na papaano.
Nawa'y masilip ang kinabukasan upang 'di na magkaganito. Nangangamba pa rin ako; na sa ganitong sistema ay wala akong patunguhan; na walang magandang mai-ambag sa lipunan; at dumating ang araw na mapagod ang mga sa akin ay nagmamahal.
Sumikat na ang araw at ito'y muling lulubog.
Nawa'y may motibasyong sa akin ay dumulog.