
ikaw ang aking kalakasan at kahinaan
ang tindi, dahil alam mo ang mga pasikot-sikot sa akin
habang ang tangi ko lamang kayang gawin ay manatili sa gilid at panoorin kang palihim na lumaro
kasinungalingan ang sagot mo sa mga tanong
ako nama’y maang-maangang nagpapaniwala
ang sabi nila’y ‘wag na akong lumingon
ngunit kahit sa harap ay nariyan ka
hindi ako ang nag-iisang nalilito
hindi ako ang nag-iisang gulong gulo
bahagya mo akong sinasamahan pabalik
at kapag naroon na’y iiwan akong nananabik
matindi kang lumaro
hindi kita kayang sabayan