gusto't ayaw

gusto ko ng ulan.

isang umagang makulimlim
mga ulap na madilim
ang pag-ampiyas ng tubig sa bintana
ang ingay ng pagbuhos nito na sumasapaw sa ingay ng mga boses sa aking isipan
may dulot na panandaliang kapayapaan
ngunit tila ngayon na ang hangganan.

ayaw ko na sa ulan.

sumasabay sa dilim ng ulap ang aking kapanatagan
kasing-kulimlim ng langit ang mga nagbabalik na nakaraan
ang mga boses sa isipan ay nakikipagsabayan
ngunit hinahanap-hanap ko pa rin ang pagbuhos ng ulan

ayaw ko na sa ulan.
gusto ko pa rin ng ulan.