hanggang kailan

kay daming tanong
sa isip ko'y bumubulong
paano ako susulong
kung sa takot at pangamba ako'y nakakulong?

kailangan ko na bang huminto
at hanapin ang daan palabas; nasaan ang pinto?
o ipagpatuloy na lamang sakyan ang 'yong binuong laro?
habang alam kong sa dulo ako'y magpapatalo pa rin sa'yo

magkakabit ang ating mga pangalan
lalo't higit sa ating pinagkakaabalahang larangan
kilala bilang tambalan
hanggang kailan natin ito mapaninindigan?