harinawa

kanina lang, maaraw
maliwang, nakasisilaw
wala pang isang oras,
wala pa man ang takipsilim,
nariyan na ang pagdilim

hindi kaya ng pusong maging taimtim
sa sarili na muna ikikimkim
hindi na rin ito para itanim
at hukayin pa nang mas malalim

bukas o sa mga susunod na araw
matatapos din ang dilim