
Kay hirap makipag-sayaw sa oras
Hindi nagkakasundo ang aming mga galaw
Hindi nagtutugma ang bilis at kumpas
Ngunit tila ako’y hindi p’wedeng umayaw
Patay na ang aking diwa
Ngunit patuloy akong dinadala pa-kanan at pakaliwa
Kung minsa’y iniikot-ikot pa
Ako’y nahihilo na’t walang magawa
Maaari bang hilahin ang kanyang mga kamay?
At sa bilis at kumpas, ako naman ang tumangay?
Ang naghihingalong apoy ay malapit nang mamatay
Ilang taon nang ganito, ako nama’y ayaw masanay