mararating din

ano kayang mangyayari sa hinaharap?
may maganda pa kayang magaganap?
ngayon, tila ako'y isang patapon
nakapangangambang totoo iyon

alam kong hindi dapat sumuko
alam kong mararating din ang dulo
ngunit ang dulo ba ay kailan?
ni-hindi ko nga alam kung saan

diyos lang ang nakaaalam ng mga kasagutan nito
alam kong siya ang may hawak ng aking mundo
sa pag-iisip ng mga ito'y ayaw kong masiraan ng ulo
saanman at kailanman, mararating din ang dulo