
May mga bagay na kailangang mangyari. Kahit gaano kahirap, kahit gaano kasakit, kailangang mangyari.
May mga bagay na kailangang bitawan.
Kahit gaano kahirap, kahit nakapanghihinayang, kailangang bitawan.
May mga bagay na kailangang harapin.
Kahit gaano kaliwanag o kadilim, kailangang harapin.
Mga bagay, alaala, pagkakataon.
Masasaya at hindi gaanong masasaya.
Malulungkot at mga nakagagalit.
Kailangan.
At sa pagitan ng mga ito, ang tanging magagawa lamang ay sumakay at magtiwala sa oras at mga panahong daraan. Gawin ang tamang dapat gawin. Mag-ingat sa pagsakay at pagtitiwala. Maging alerto ang puso at isip.
Patuloy na mahalin ang buhay.
Walang kasiguraduhan, pero kailangan.