
Pasulyap-sulyap sa’yong mga ngiti
May kilig pa rin na hindi ko mawari
Tinatamaan pa rin nang kay tindi
Minsa’y napapaisip sa sarili
Tama bang desisyon ang paglisan
Sa loob ko’y madalas naglalaban
Kay sarap pa ring sa’yo’y makipagk’wentuhan
Dinadala ako sa ibang klaseng kalawakan
Ngunit sa t’wing pagtatapos ng mga araw
Alam kong ikaw na’y bumitaw
At kahit gaano pa kaganda ang sabay nating pagsayaw
Sa malayo na lang kita matatanaw
Doon ako sa kung saan ka masaya
Doon ako sa kapanatagan ng ‘yong loob
Habambuhay akong hahanga sa’yo
Pagkakatiwalaan ang oras at sitwasyon