paalam

Hindi ako bulag para hindi ko makita
Hindi ako bingi para hindi ko marinig
Hindi ako manhid para hindi makaramdam
Pero hanggang ngayon, ako’y nakikiramdam

Hangga’t nandito,
patuloy na ganito ang ikot ng mundo
Kaya wari ko,
kailangan nang magtungo sa kabilang dako

At doon magsimulang muli
At doon na rin pumirmi
Sa lugar na nakikita ang aking silbi
Paalam, ingatan ang ‘yong sarili.