pag-asa

Kay ganda na may pag-asa
May kinakapitan
Ngunit kay hirap ng pag-asa
Walang katiyakan

Ilalaban pa hangga’t may liwanag na natatanaw
Maliit man, kakapit sa pag-asang natatanaw — ikaw

Maghihintay na dumating ang araw na
Magtatagpo muli ang ating mga puso
Ilalaan ang mga oras at panahon sa
Muling pagtapat ng ating mga mundo

At doon hihinto ang ating pag-ikot
Habang patuloy ang mga bagay na sati’y nakapalibot
Sisigla ang noo’y masalimuot
Mapapawi ang mga luhang isa’t isa ang nagdulot

Darating din ang araw na ‘yon

Kay ganda na may pag-asa
Laging may kinakasabik
Ako’y aasa lang nang aasa
Hanggang tayo’y makabalik