pag-asam at pag-aalinlangan

Hindi ko mawari ang kalungkutang nadarama. May halong pag-aalala. May halong pagkadismaya. Nakakapanibago ang lahat. Mailap ang mga pagkakataon.

Nakakatakot ang kinabukasan kung ganito ang kasalukuyan. Nagkakaubusan. Magkakaubusan. Ako ba'y may pupuntahan? Nakakahiya nang umasa sa iba. Nakakapagod.

Mula sa maliwanag ay nangangapa na lamang ako sa dilim. Nagbabakasakali na may makuha o mahawakan man lamang na kanais-nais. At kung mayroon ma'y umaasang ito'y mapakinabangan nang pangmatagalan.

Sa ngayon, hindi ko pa alam. Siguro'y patuloy muna sa pagkapa sa dilim. Siguro'y patuloy muna sa pag-asa na may makakamit din. Tingnan natin.