palayo

Ang tanging daan ay papalayo mula sa lugar kung saan ang ating mga kalooba’y nagtagpo.

‘Wag nang umasa pang babalik.
Maliligaw lang at walang sasagip. 

Tama na.
Kailangan nang umalis.
Kung may darating, darating.