
masyadong halata ang mga kilos mo
kaya kong basahin ang maliliit mong mga galaw
bawat lingon, bawat buka ng bibig
mga panandaliang pagtigil at pagtuloy
naoobserbahan ko
at hindi ko sinasadya
kung ito’y laro,
hindi na ako sasali
dahil ngayon pa lang,
alam kong ako’y matatalo na
hindi dahil magaling kang lumaro at magtago
kundi dahil ikaw, ang ‘yong mga salita,
ang ‘yong presensya, ang ‘yong mga kilos;
ikaw — ang aking pinakamalakas na kahinaan.