sa alegorya ng munimuni

This is going to be vague, pero maraming pinadanas, pinadama, at pinamalas ang nagdaang weekend sa akin. Tila kayang pag-ugnay-ugnayin ng musika ng Alegorya ang mga pangyayari — Ako Lang Ba?, Kapayapaan, Alat, at Alpas. 

Well, tingin ko’y alam ko naman na darating ako sa mga ganoong punto sa buhay — na gaya ng dagat, doon tutungo ang lahat.

Pusong nagugulumihanan. Pusong nananamlay. Pagod na utak. Pusong gising. Ilog ng aking luha. Saan nga ba ang daloy niya? Paglaya ang tanging hiling. At pag-ibig ang siyang tatapos ng giyera sa damdamin ko. 

Nakita ko kahapon ng umaga ang simula ng wakas. Nakumpirma ko kung gaano ka-miserable ang mga ganap. Nakapanginginig at nakapatatahimik. 

Isang sampal bilang panggising sa hayahay na damdamin. 

Nakakaawa ang sarili, pero hindi na hahayaang malugmok pang muli. Unti-unting kakayanin.

Ako lang ang makakakuha ng buong kahuluhan ng mga salita at pangungusap na ito. At sapat na ‘yon.

Marilag.