sa pagitan ng pagkamuhi at pagbabago

Hindi ako perpekto.
Kailanman ay hindi magiging.
at kahit sinuman, hindi.

Nitong mga nakaraang araw, nakikita ko ang sarili ko sa mga bagay na kinasusuklaman ko — sa mga bagay na kinaiinisan at pinandidirihan ko. Ako pala ang mga ‘yon. Hipokrito pala akong hindi ko namamalayan. Nakikita ko ang sarili kong taglay ang mga katangiang kinasusuklaman ng mga malalapit sa’kin. Hipokrito akong hindi nila namamalayan.

Nakalulungkot, pero hindi pa naman huli ang lahat para pulutin ang sarili at unti-unting humakbang palayo sa kasuklam-suklam na sarili hanggang makatakbo papalayo. 

Ang mahalaga sa ngayon, nalaman ko. Ang mahalaga ngayon, gusto kong humakbang palayo. Ang mahalaga ngayon, mapatawad ang sarili. Ang magalaga ngayon, humingi ng tawad sa paligid.