salita at musika

may kalma at kapayapaan

sa tuwing tayo’y nagtatalastasan.
may lalim at hiwaga
ang pagpili mo ng mga salita.

at habang hinahanap mo ang angkop na mga salita, karamay mo ‘ko habang ang mga nota’y tinitipa.

sa’yo ang salita.
sa akin ang musika.
‘wag sanang mawala
laging tungo sa paglaya.